Mga Awit 89:21-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

21. Kaya't palagi ko siyang gagabayan,at siya'y bibigyan ko ng kalakasan.

22. Di siya malulupig ng kanyang kaaway,ang mga masama'y di magtatagumpay.

23. Aking dudurugin sa kanyang harapan,silang namumuhi na mga kaaway.

24. Ang katapatan ko't pag-ibig na wagas, ay iuukol ko't aking igagawad,at magtatagumpay siya oras-oras.

25. Mga kaharia'y kanyang masasakop,dagat na malawak at malaking ilog.

Mga Awit 89