8. Sa sinumang diyos wala kang kawangis,sa iyong gawai'y walang makaparis.
9. Ang lahat ng bansa na iyong nilalang,lalapit sa iyo't magbibigay galang;sila'y magpupuri sa iyong pangalan.
10. Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakilana anumang gawin ay kahanga-hanga!
11. Ang kalooban mo'y ituro sa akin,at tapat ang puso ko na ito'y susundin;turuang maglingkod nang buong taimtim.
12. O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanmanat ihahayag ko, iyong kadakilaan.
13. O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas;di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay.