Mga Awit 86:1-2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sa aking dalangin, ako'y iyong dinggin,tugunin mo, Yahweh, ang aking pagdaing;ako'y mahina na't wala nang tumingin.

2. Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan,lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman.

Mga Awit 86