1. Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan,sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan:
2. “Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama,tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah)
3. Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila,at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.
4. Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!