Mga Awit 81:7-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Iniligtas kita sa gitna ng hirap, sinaklolohan ka nang ika'y tumawag;tinugon din kita sa gitna ng kidlat,at sinubok kita sa Batis Meriba. (Selah)

8. Kapag nangungusap, ako'y inyong dinggin,sana'y makinig ka, O bansang Israel.

9. Ang diyus-diyosa'y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa'y di dapat yukuran.

10. Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo,ako ang tumubos sa iyo sa Egipto;pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo.

Mga Awit 81