Mga Awit 79:4-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Ang karatig-bansangdoo'y nakasaksi, kami'y kinutya at nagtatawa sila,lahat sa palibot ay humahalakhak sa gayong nakita.

5. Iyang iyong galitsa amin, O Yahweh, hanggang kailan ba kaya matatapos?Di na ba titigil ang pagkagalit mong sa ami'y tutupok?

6. Doon mo ibalingang matinding galit sa maraming bansang ayaw kang kilanlin,mga kahariang ang banal mong ngala'y ayaw na tawagin.

Mga Awit 79