Mga Awit 79:3-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Dugo ng bayan mo'yibinubo nila, sa buong palibot nitong Jerusalem,katulad ay tubig; sa dami ng patay ay walang maglibing.

4. Ang karatig-bansangdoo'y nakasaksi, kami'y kinutya at nagtatawa sila,lahat sa palibot ay humahalakhak sa gayong nakita.

5. Iyang iyong galitsa amin, O Yahweh, hanggang kailan ba kaya matatapos?Di na ba titigil ang pagkagalit mong sa ami'y tutupok?

6. Doon mo ibalingang matinding galit sa maraming bansang ayaw kang kilanlin,mga kahariang ang banal mong ngala'y ayaw na tawagin.

7. Masdan ang ginawanila sa bayan mo, ang mga lingkod mo ay pinatay nila,pati ang tahanan nila ay winasak, walang itinira.

Mga Awit 79