Mga Awit 78:67-70 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

67. Maging ang lahi ni Jose, sadya niyang itinakwil,at di niya pinagbigyan pati lahi ni Efraim.

68. Sa halip, pinili niya'y ang sambahayan ni Juda,at ang bundok naman ng Zion ang tirahang minahal niya.

69. Doon niya itinayo yaong banal na santuwaryo,katulad ng nasa langit na tahanan niyang dako;lubos niyang pinatatag na tulad ng mundong ito.

70. Ang kinuhang pangunahi'y sa mahirap pa hinugot,isang pastol ang napili, si David na kanyang lingkod.

Mga Awit 78