Mga Awit 77:7-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. “Ako baga, Panginoo'y lubusan mong itatakwil?Di mo na ba ibabalik sa akin ang iyong pagtingin?

8. Ang iyo bang pagmamahal sa amin ay nagwakas na?Hindi na ba maaaring sa pangako mo'y umasa?

9. Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na?Dahilan sa iyong galit, ang awa mo'y wala na ba?” (Selah)

10. Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob,para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos.”

Mga Awit 77