Mga Awit 77:18-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Dagundong na gumugulong ang ingay na idinulot,ang guhit ng mga kidlat ay tanglaw sa sansinukob;pati mundo ay nayanig na para bang natatakot.

19. Ang landas mong dinaraana'y malawak na karagatan,ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan;ngunit walang makakita ng bakas mong iniiwan.

20. Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan,si Moises at si Aaron yaong iyong naging kamay!

Mga Awit 77