Mga Awit 76:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Tunay na si Yahweh'y kilala sa Juda,sa buong Israel, dakilang talaga;

2. nasa Jerusalem ang tahanan niya,sa Bundok ng Zion, doon tumitira.

3. Lahat ng sandata ng mga kaaway,mga pana't sundang, baluting sanggalang, doon niya sinirang walang pakundangan. (Selah)

4. O Diyos, dakila ka, ikaw ay maringalhigit pa sa matatag na kabundukan.

Mga Awit 76