Mga Awit 73:16-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

16. kaya't sinikap kong ito'y saliksikin,mahirap-hirap mang ito'y unawain.

17. Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas,na ang masasama ay mapapahamak;

18. dinala mo sila sa dakong madulas,upang malubos na, kanilang pagbagsak;

19. walang abug-abog sila ay nawasak,kakila-kilabot yaong naging wakas!

Mga Awit 73