Mga Awit 7:6-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. O Yahweh, bumangon ka, puksain mo ang kaaway,ako'y iyong ipagtanggol sa malupit nilang kamay!Gumising ka't sagipin mo, ako ngayon ay tulungan,dahil ang hangad mo'y maghari ang katarungan.

7. Tipunin mo sa iyong piling ang lahat ng mga bansa,at mula sa trono sa kaitaasan, ikaw Yahweh ang mamahala.

8. Sa lahat ng mga bayan ikaw ang hukom na dakila,humatol ka sa panig ko sapagkat ako'y taong tapat.

9. Ikaw ay isang Diyos na matuwid,batid mo ang aming damdamin at pag-iisip;sugpuin mo ang gawain ng masasama,at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala.

Mga Awit 7