Mga Awit 66:14-18 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Pati pangako ko, nang may suliranin,ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin.

15. Natatanging handog ang iaalay ko;susunuging tupa, kambing, saka toro,mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah)

16. Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos,at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan.

17. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri,kanyang karangalan, aking sinasabi.

18. Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy,di sana ako dininig ng ating Panginoon.

Mga Awit 66