Mga Awit 63:7-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. ikaw ang sa aki'y tumutulong sa tuwina,kaya sa iyong pagkupkop ligaya kong awitan ka.

8. Itong aking kaluluwa'y sa iyo lang nananalig,kaligtasan ko'y tiyak, dahil sa iyo'y nakasandig.

9. Ngunit silang nagbabantang kumitil sa aking buhay,sila nga ang masasadlak sa malamig na libingan.

10. Mamamatay silang lahat sa larangan ng digmaan,kakanin ng asong-gubat ang kanilang mga bangkay.

11. Dahilan sa iyo, O Diyos,ang hari ay magdiriwang,kasama ng mga tapat magpupuring walang hanggan.Ngunit silang sinungaling, bibig nila ay tatakpan.

Mga Awit 63