Mga Awit 59:3-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Sila'y nag-aabang,pagmasdan mo yaong taong mababagsik;nagtipo't ang layon ako ay iligpit.Ang dahilan nito,di dahil sa ako'y may pagkakamali,

4. o may pagkukulang na ako ang sanhi;O Diyos, masdan sila at nagdudumali.

5. Tulungan mo ako,Yahweh, Makapangyarihang Diyos.Ikaw ang magmasid, O Diyos ng Israel!Ikaw ay gumising,at ang mga bansa'y iyong parusahan;yaong mga taksil, huwag mong kahabagan. (Selah)

6. Pagdating ng gabi,sila'y nagbabalik sa loob ng lunsod;asong kumakahol ang nakakatuladhabang naglilibot.

Mga Awit 59