Mga Awit 59:16-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

16. Ngunit aawit ako,pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas,sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas;pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito,at aking kanlungan kapag lugmok ako.

17. Pupurihin kita,tagapagtanggol ko at aking kanlungan,Diyos kong mapagmahal.

Mga Awit 59