1. Sa aking kaaway,iligtas mo ako, O aking Diyos;ingatan mo ako kapag sila'y lumusob.
2. Sa masamang tao,ako ay iligtas, at sa pumapatayagawin mo ako at iyong ingatan.
3. Sila'y nag-aabang,pagmasdan mo yaong taong mababagsik;nagtipo't ang layon ako ay iligpit.Ang dahilan nito,di dahil sa ako'y may pagkakamali,
4. o may pagkukulang na ako ang sanhi;O Diyos, masdan sila at nagdudumali.
5. Tulungan mo ako,Yahweh, Makapangyarihang Diyos.Ikaw ang magmasid, O Diyos ng Israel!Ikaw ay gumising,at ang mga bansa'y iyong parusahan;yaong mga taksil, huwag mong kahabagan. (Selah)
6. Pagdating ng gabi,sila'y nagbabalik sa loob ng lunsod;asong kumakahol ang nakakatuladhabang naglilibot.
7. Dinggin ang salita'tparang mga tabak ang dila ng bibig!Ngunit nagtatanong:“Sa amin ay sino ang makikinig?”
8. Ngunit ikaw, Yahweh,tinatawanan mo't iyong kinukutya;gayon ang gawa mo sa may salang bansa.
9. Ikaw, Panginoon,ang aking Diyos, aking kalakasan;ikaw ang muog ko at aking kanlungan.
10. Ako'y minamahal,mahal ako ng Diyos, ako'y lalapitanupang ipamalas ang kanyang paglupig sa mga kaaway.