Mga Awit 58:8-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Parang mga susô, sa dumi magwakas,batang di nabuhay sa sangmaliwanag.

9. Puputulin silang hindi nila batid,itatapon ng Diyos sa tindi ng galit;bagaman buháy pa'y iyon na ang sinapit.

10. Ang mga matuwid nama'y magagalak kung ang masasama'y parusahang ganap;pagkakita nila sa dugong dumanak, hindi mangingiming doon na tumahak.

11. Saka sasabihin ng mga nilalang, “Ang mga matuwid ay gantimpalaan;tunay ngang may Diyos, na hukom ng lahat!”

Mga Awit 58