4. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan;kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan,marapat na ako'y iyong parusahan.
5. Ako'y masama na buhat nang isilang,makasalanan na nang ako'y iluwal.
6. Nais mo sa aki'y isang pusong tapat;puspusin mo ako ng dunong mong wagas.
7. Ako ay linisin, sala ko'y hugasanat ako'y puputi nang lubus-lubusan.
8. Sa galak at tuwa ako ay puspusin;butong nanghihina'y muling palakasin.
9. Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin,lahat kong nagawang masama'y pawiin.
10. Isang pusong tapat sa aki'y likhain,bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
11. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin;iyong banal na Espiritu'y paghariin.
12. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas,ibalik at ako po'y gawin mong tapat.
13. Kung magkagayon na, aking tuturuangsa iyo lumapit ang makasalanan.