5. Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan,mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman.
6. Pinupuksa mo Yahweh, ang mga sinungaling,galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang.
7. Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal,makakapasok ako sa iyong tahanan;ika'y sambahin ko sa Templo mong banal,luluhod ako tanda ng aking paggalang.
8. Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran,dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang,landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan.