Mga Awit 45:8-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Sa damit mo'y nalalanghap, tatlong uri ng pabango,mira, aloe saka kasia na buhat sa ibang dako;inaaliw ka ng tugtog sa garing na palasyo mo.

9. O kay gagandang prinsesa ang katulong na dalaga,samantalang sa kanan mo, nakatayo yaong reyna,palamuti'y gintong lantay sa damit na suot niya.

10. O kabiyak nitong hari, ang payo ko'y ulinigin;ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.

11. Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin;siya'y iyong Panginoon, marapat na iyong sundin.

12. Yaong mga taga-Tiro, handog nila ay dadalhin,pati mga mayayaman sa iyo ay susuyo rin.

13. Ang prinsesa sa palasyo'y pagmasdan mo't anong ganda;sinulid na gintung-ginto ang hinabing damit niya.

14. Sa magara niyang damit, sa hari ay pinapunta,mga abay ay kasama, haharap sa hari nila.

15. Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalaknagsipasok sa palasyo, kanyang hari ay hinanap.

Mga Awit 45