Mga Awit 45:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kay gagandang pangungusap ang naroon sa isipan,habang aking hinahabi ang awit sa haring mahal;ang katulad ng dila ko ay panulat ng maalam,panulat ng dalubhasang sumulat ng kasaysayan.

2. Sa lahat nga ng nilikha, makisig kang hindi hamak,kapag nagtatalumpati'y pambihira kung mangusap;ikaw nga ay pinagpala ng Diyos sa tut'wina.

3. O ikaw na haring bantog, isakbat mo ang sandata;sagisag mo'y maharlika, malakas nga't dakila ka!

Mga Awit 45