Mga Awit 44:6-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. Palaso ko, aking tabak, hindi ko rin inasahan,upang itong kaaway ko ay magapisa labanan.

7. Ngunit ikaw ang nanguna kaya kami nagtagumpay,sa sinumang namumuhing malulupit na kaaway.

8. Kaya naman, ikaw, O Diyos, lagi naming pupurihin;sa papuri't pasalamat ika'y aming tatanghalin. (Selah)

9. Ngunit ngayo'y itinakwil, kaya kamiay nalupig,hukbo nami'y binayaa't hindi mo na tinangkilik;

10. Hinayaan mo nga kami kaya kami ay tumakas;aming mga naiwanan ay sinamsam nilang lahat.

11. Kami'y iyong binayaang katayin na parang tupa,matapon sa ibang bansa upang doon ay magdusa.

12. Kami'y iyong pinagbili sa maliit na halaga;sa ginawang pagbebenta walang tubo na nakuha.

13. Sa sinapit naming ito, mga bansa ay nagtawa,kinukutya kaming lagi, iniinis sa tuwina.

14. Pati bansang walang Diyos, sa gitna ng sanlibutan,sa nangyari'y umiiling bilang tanda ng pag-uyam.

15. At lagi kong alaala mapait na karanasan,aking puso ay nanlumo sa malaking kahihiyan.

16. Ang malaking kahihiyang ngayo'y aking tinataglay,ay bunga ng pang-iinis at pagkutya ng kaaway.

17. Sa ganitong karanasan, kami'y lubhang nagtataka;ikaw nama'y nakaukit sa isipa't alaala,at ang tipan mo sa ami'y sinusunod sa tuwina.

Mga Awit 44