Mga Awit 44:13-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Sa sinapit naming ito, mga bansa ay nagtawa,kinukutya kaming lagi, iniinis sa tuwina.

14. Pati bansang walang Diyos, sa gitna ng sanlibutan,sa nangyari'y umiiling bilang tanda ng pag-uyam.

15. At lagi kong alaala mapait na karanasan,aking puso ay nanlumo sa malaking kahihiyan.

16. Ang malaking kahihiyang ngayo'y aking tinataglay,ay bunga ng pang-iinis at pagkutya ng kaaway.

Mga Awit 44