Mga Awit 42:4-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalalaang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama,papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna;pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya!

5. Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam?Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan;Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.

6. Siya ay gugunitain ng puso kong tigib-hirap,habang ako'y nasa Jordan, sa Hermon, at sa Mizardi ko siya malilimot, gugunitain oras-oras.

7. Ang dagat na kalaliman pakinggan at umuugong,at doon ay maririnig, lagaslas ng mga talon;ang katulad: nagagalit, malalaking mga alon,na sa aking kaluluwa ay ganap na tumatabon.

Mga Awit 42