Mga Awit 42:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kung paanong batis ang siyang hanap ng isang usa;gayon hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa.

2. Nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buháy, walang iba;kailan kaya maaaring sa presensya mo'y sumamba?

3. Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis;naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik.Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit,“Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.”

4. Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalalaang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama,papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna;pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya!

5. Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam?Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan;Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.

6. Siya ay gugunitain ng puso kong tigib-hirap,habang ako'y nasa Jordan, sa Hermon, at sa Mizardi ko siya malilimot, gugunitain oras-oras.

Mga Awit 42