Mga Awit 4:4-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit;sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah)

5. Nararapat na handog, inyong ialay,pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay.

6. Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?”Ikaw, O Yahweh ang totoong mahabagin!

7. Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan,higit pa sa pagkain at alak na inumin.

8. Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing,pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

Mga Awit 4