Mga Awit 38:19-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Mga kaaway ko'y malakas, masigla;wala mang dahila'y namumuhi sila.

20. Ang ganting masama ang sukli sa akin,dahil sa hangad kong buhay ko'y tuwirin.

21. Panginoong Yahweh, huwag akong iiwan;maawaing Diyos, huwag akong layuan;

22. aking Panginoon, aking kaligtasan, iyo ngang dalian, ako ay tulungan!

Mga Awit 38