Mga Awit 37:32-37 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

32. Ang taong masama'y laging nag-aabang,sa taong matuwid nang ito'y mapatay;

33. ngunit hindi naman siya hahayaang mahulog sa kamay ng mga kaaway;di rin magdurusa kahit paratangan.

34. Manalig ka kay Yahweh, utos niya'y sundin;ikaw ay lalakas upang ang lupain ay kamtin,at ang mga taksil makikitang palalayasin.

35. Ako'y may nakitang taong abusado,itaas ang sarili ang kanyang gusto; kahoy sa Lebanon ang tulad nito.

36. Lumipas ang araw, ang aking napuna, nang ako'y magdaan, ang tao'y wala na;hinanap-hanap ko'y di ko na makita.

37. Ang taong matuwid ay inyong pagmasdan,mapayapang tao'y patuloy ang angkan.

Mga Awit 37