Mga Awit 37:30-34 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

30. Sa bibig ng matuwid namumutawi'y karunungan;at sa labi nila'y pawang katarungan.

31. Ang utos ng Diyos ang laman ng puso,sa utos na ito'y hindi lumalayo.

32. Ang taong masama'y laging nag-aabang,sa taong matuwid nang ito'y mapatay;

33. ngunit hindi naman siya hahayaang mahulog sa kamay ng mga kaaway;di rin magdurusa kahit paratangan.

34. Manalig ka kay Yahweh, utos niya'y sundin;ikaw ay lalakas upang ang lupain ay kamtin,at ang mga taksil makikitang palalayasin.

Mga Awit 37