Mga Awit 36:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika;tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala.

2. Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na;ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa.

3. Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling;dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling.

4. Masama ang binabalak samantalang nahihimlay,masama rin ang ugali,at isa pang kasamaa'y ang laging inaakap ay gawaing mahahalay.

5. Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan,at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan.

Mga Awit 36