Mga Awit 34:15-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon,sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.

16. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod,at sa alaala, sila'y mawawala.

17. Agad dinirinig daing ng matuwid;inililigtas sila sa mga panganib.

18. Tinutulungan niya, mga nagdurusaat di binibigo ang walang pag-asa.

19. Ang taong matuwid, may suliranin man,sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.

20. Kukupkupin siya nang lubus-lubusan,kahit isang buto'y hindi mababali.

21. Ngunit ang masama, ay kasamaan dinsa taglay na buhay ang siyang kikitil.

22. Mga lingkod niya'y kanyang ililigtas,sa nagpapasakop, siya ang mag-iingat!

Mga Awit 34