Mga Awit 34:13-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.

14. Mabuti ang gawi't masama'y layuanpagsikapang kamtin ang kapayapaan.

15. Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon,sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.

16. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod,at sa alaala, sila'y mawawala.

17. Agad dinirinig daing ng matuwid;inililigtas sila sa mga panganib.

18. Tinutulungan niya, mga nagdurusaat di binibigo ang walang pag-asa.

19. Ang taong matuwid, may suliranin man,sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.

20. Kukupkupin siya nang lubus-lubusan,kahit isang buto'y hindi mababali.

Mga Awit 34