Mga Awit 26:7-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Awit ng pasasalamat ay aking inaawit,gawa mong kahanga-hanga, ay aking sinasambit.

8. Mahal ko, Yahweh, ang Templo mong tahanan,sapagkat naroroon ang iyong kaluwalhatian.

9. Sa parusa ng masasama, huwag mo akong idamay,ilayo rin sa parusa ng mahihilig sa pagpatay—

10. mga taong walang magawâ kundi kasamaan,at palaging naghihintay na sila ay suhulan.

11. Ngunit para sa akin, gagawin ko ang tama,kaya iligtas mo ako at sa akin ay maawa.

Mga Awit 26