2. Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan,inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman.
3. Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon?Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon?
4. Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan,hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan;at hindi sumusumpa ng kasinungalingan.
5. Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan,ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan.