Mga Awit 22:28-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

28. Kay Yahweh nauukol ang pamamahala,naghahari siya sa lahat ng mga bansa.

29. Magsisiluhod lahat ang palalo't mayayabang,yuyuko sa harap niya, mga taong hahatulan.

30. Mga susunod na salinlahi'y maglilingkod sa kanya,ang tungkol sa Panginoon ay ipahahayag nila.

31. Maging ang mga di pa isinisilang ay babalitaan,“Iniligtas ni Yahweh ang kanyang bayan.”

Mga Awit 22