Mga Awit 18:25-32 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

25. Tapat ka, O Diyos, sa mga tapat sa iyo,at napakabuti mo sa mabubuting tao.

26. Ikaw ay mabait sa taong matuwid,ngunit sa masama, ikaw ay malupit.

27. Ang mapagpakumbabá ay inililigtas mo,ngunit iyong ibinabagsak ang mga palalo.

28. Ikaw, O Yahweh, ang nagbibigay sa akin ng ilaw;inaalis mo, O Diyos, ang aking kadiliman.

29. Pinapalakas mo ako laban sa kaaway,upang tanggulan nito ay aking maagaw.

30. Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa,at maaasahan ang kanyang salita!Siya ay kalasag ng mga umaasa,at ng naghahanap ng kanyang kalinga.

31. Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay;tanging Diyos lamang ang batong tanggulan.

32. Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas,sa daraanan ko'y siyang nag-iingat.

Mga Awit 18