1. Ingatan mo sana ako, O Diyos, sa iyo ako nanganganlong at nagtitiwalang lubos.
2. Ang sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang Panginoon ko,kabutihang tinatamasa ko, lahat ay mula sa iyo.”
3. Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal!Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan.
4. Ang mga bumabaling sa ibang diyos, sulirani'y sunod-sunod,sa mga paghahandog nila'y hindi ako sasama;at sa kanilang mga diyos, ako'y hindi sasamba,hindi rin maglilingkod, ni pupuri sa kanila.
5. Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay,lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay,kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay.
6. Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga,napakaganda ng iyong pamana!