Mga Awit 150:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Purihin si Yahweh!Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan,purihin sa langit ang lakas na taglay!

2. Siya ay purihin sa kanyang ginawa,siya ay purihin, sapagkat dakila.

3. Purihin sa tugtog ng mga trumpeta,awitan sa saliw ng alpa at lira!

Mga Awit 150