Mga Awit 142:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. O Yahweh, ako ay humingi ng tulong,ako'y maghihintay sa iyong pagtugon;

2. ang aking dinala'y lahat kong hinaing,at ang sinabi ko'y pawang suliranin.

3. Nang ako ay halos wala nang pag-asa,ang dapat kong gawi'y nalalaman niya.Sa landas na aking pinagdaraanan,may handang patibong ang aking kaaway.

4. Sa aking paligid, nang ako'y lumingon,wala ni isa man akong makatulong;wala kahit isa na magsasanggalang,ni magmalasakit na kahit sinuman.

5. Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing,sa Tagapagligtas, ako'y dumalangin;tunay na ikaw lang mahalaga sa akin.

6. Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan,pagkat halos ako'y di makagulapay;iligtas mo ako sa mga kaaway,na mas malalakas ang mga katawan.

Mga Awit 142