Mga Awit 140:10-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Bagsakan mo sila ng apoy na baga,itapon sa hukay nang di makaalsa.

11. At ang mga taong gawai'y mangutya, huwag pagtagumpayin sa kanilang nasa;ang marahas nama'y bayaang mapuksa.

12. Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang,at pananatilihin ang katarungan.

13. Ang mga matuwid magpupuring tunay,ika'y pupurihi't sa iyo mananahan!

Mga Awit 140