1. Sa mga masama ako ay iligtas,iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas;
2. sila'y nagpaplano at kanilang hangadpalaging mag-away, magkagulo lahat.
3. Mabagsik ang dila na tulad ng ahas,tulad ng ulupong, taglay na kamandag. (Selah)
4. Sa mga masama ako ay iligtas;iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas,na ang nilalayon ako ay ibagsak.
5. Taong mga hambog, ang gusto sa akin,ako ay masilo, sa bitag hulihin,sa bitag na umang sa aking landasin. (Selah)