3. Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga,at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya.
4. Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin,buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
5. Mula sa Zion, pagpapala nawa ni Yahweh ay tanggapin,at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem;
6. ang magiging iyong apo, nawa iyong makita rin,nawa'y maging mapayapa itong bayan ng Israel!