1. Nang ako'y manganib, kay Yahweh dumaing,dininig niya ako sa aking dalangin.
2. Sa taong di tapat, gawai'y manlinlang,Yahweh, iligtas mo't ako'y isanggalang.
3. Sa kamay ng Diyos, kayong sinungaling,ano kayang parusa ang inyong kakamtin?
4. Tutudlain kayo ng panang matalim,at idadarang pa sa may bagang uling.