Mga Awit 119:19-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Ang buhay ko sa daigdig ay pansamantala lamang,kaya huwag mong ikukubli sa akin ang kautusan.

20. Ang puso ko'y nasasabik, at ang laging hinahangad,ang lahat ng tuntunin mo ay mabatid oras-oras.

21. Ang mga mapagmataas, iyong pinaparusahan;at iyong isinusumpa ang sa utos mo ay laban.

22. Sa ganitong mga tao'y ilayo mo akong ganap,yamang ang iyong kautusan ay siya kong tinutupad.

23. Kahit ako ay usigi't labanan ng pamunuan,itong iyong abang lingkod sa utos mo'y mag-aaral.

24. Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw,siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin.(Daleth)

Mga Awit 119