Mga Awit 119:170-175 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

170. Hayaan ang dalangin ko ay dumating sa iyo, O Diyos,sang-ayon sa pangako mo, iligtas ang iyong lingkod.

171. Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin,pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin.

172. Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit,sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid.

173. Humanda ka sa pagtulong, ito'y aking kailangan,sapagkat ang susundin ko'y ang utos mong ibinigay.

174. Nasasabik ako, Yahweh, sa pangakong pagliligtas,natamo ko sa utos mo, ang ligaya at ang galak.

175. Upang ako ay magpuri, ako'y bigyan mo ng buhay,matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral.

Mga Awit 119