Mga Awit 119:136-140 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

136. Parang agos na ng batis ang daloy ng aking luha,dahilan sa mga taong sa utos mo'y sumisira.(Tsade)

137. Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal,matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan.

138. Yaong mga tuntunin mong iniukol mo sa amin,sa lahat ay naaangkop, at matapat ang layunin.

139. Nag-aapoy ang galit ko, sa puso ko'y nag-aalab,pagkat yaong kaaway ko sa utos mo'y yumuyurak.

140. Ang pangako mo sa amin ay subok na't walang mintis,kaya naman ang lingkod mo'y labis itong iniibig.

Mga Awit 119