Mga Awit 119:131-135 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

131. Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,na matamo yaong aking minimithing kautusan.

132. Ako'y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingapin,at sa mga taong tapat, itulad mo ang pagtingin.

133. Sang-ayon sa pangako mo, huwag mo akong hahayaangmahulog sa gawang mali at ugaling mahahalay.

134. Sa sinumang naghahangad na ako ay alipinin,iligtas mo ang lingkod mo't ang utos mo ang susundin.

135. Sa buhay ko'y tumanglaw ka at ako ay pagpalain,at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin.

Mga Awit 119