Mga Awit 119:13-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Ang lahat mong mga utos na sa aki'y ibinigay,palagi kong babanggitin, malakas kong isisigaw.

14. Nagagalak na susundin ko ang iyong kautusan,higit pa sa kagalakang dulot nitong kayamanan.

15. Ako'y laging mag-aaral sa lahat ng tuntunin mo,nang aking maunawaan, pagbubulay-bulayan ko.

16. Sa bigay mong kautusa'y lubos akong nalulugod,iingatan sa puso ko upang iyo'y di malimot.(Gimmel)

Mga Awit 119